Higit 10 domestic flight ng Cebu Pacific, kanselado na dulot ng Bagyong Egay

Kanselado na ang nasa 12 domestic flight ng Cebu Pacific ngayong araw dahil sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Egay.

Ayon sa pamunuan ng Cebu Pacific, kabilang sa mga kinansela ang flight 5J 196/197: Manila – Cauayan – Manila

5J 404/405: Manila – Laoag – Manila


DG 6177/6178: Manila – Masbate – Manila

DG 6031/6032: Manila – San Jose – Manila

5J 504/505: Manila – Tuguegarao – Manila

5J 506/507: Manila – Tuguegarao – Manila

Inabisuhan na rin ang mga apektadong pasahero sa pamamagitan ng email at maari nilang gamitin ang mga option online para sa rebooking o refund na walang babayarang penalty, nag-aalok din ang Cebu Pacific ng mga flexible option, alinman sa libreng rebooking o Travel Fund, sa mga pasaherong gustong ipagpaliban ang kanilang mga flight mula at papunta sa kanilang destinasyon.

Samantala, nagpaalala din ng air carrier sa mga bisita na tingnan ang mga real-time update ng flight status sa pamamagitan ng kanilang website dahil maari pang magbago ang mga flight dahil sa sitwasyon habang dumadaan ang Bagyong Egay.

Facebook Comments