Binata, arestado matapos na magpaputok ng baril

9

Makato, Aklan – Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang isang binata matapos na ito ay magpaputok at mahulihan ng baril kagabi sa Mckinley St., Poblacion, Makato, Aklan.
Nakilala ang suspek kay Aljon Ortiz Torrefiel, 20-anyos at residente ng Brgy. Agbalogo, sa nasabing bayan.
Ayon sa imbestigasyon ng Makato PNP na nakatanggap sila ng report kagabi galing sa Barangay Intelligence Network habang sila ay nagpapatrolya na merong nagpaputok ng baril sa lugar na agad naman nila itong nirespondehan.
Pagdating sa lugar ay naabutan pa nila ang suspek kung saan nagtangka itong tumakas pero kanila rin itong nahuli at hinanapan ng ID.
Na recover ng mga otoridad sa kanyang sling bag ang isang improvised 38 revolver at may isang bala.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Makato PNP ang nasabing suspek.

Facebook Comments