Sumentro sa naganap na Bureau of Fire Protection (BFP) 2025 Regionwide Fire Prevention Month Kick-Off Ceremony ang papel ng komunidad pagdating sa pagtugon sa mga insidente ng sunog.
Sa mensahe ni Assistant Regional Director for Operations, FSSUPT Eddie Jucutan, ang kampanya ay hindi lamang sa pagtugon sa mga fire emergencies, maging ang pagpapaigting din ng mga hakbangin upang maiwasan ang naturang insidente.
Ibinahagi ni Fire Chief Superintendent Jesus Fernandez sa pamamagitan ni Regional Director FCSupt Leonida Rosales ang kahalagahan ng gampanin ng mga residente sa komunidad upang mapatibay pa hakbang at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Binigyang-diin sa selebrasyon ang kooperasyon ng komunidad sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa mga ibinabang pagsasanay at kaalaman ukol dito.
Samantala, dinaluhan ang nasabing programa ng iba’t-ibang ahensya sa gobyerno sa buong Region 1 at sabay-sabay na tinalakay ang tema ngayong taon na “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.” | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨