DOTr, walang nakitang depekto sa mga riles ng MRT matapos ang lindol kanina

Walang dapat ikabahala ang publiko sa operasyon ng Metro Rail Transit line 3 (MRT-3)

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), wala silang nakitang depekto o ano mang pinsala sa mga riles ng MRT-3 makaraan ang lindol kanina.

Ito ay matapos ang ginawang inspection ng maintenance at engineering personnel ng MRT-3.


Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways and MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, maging ang kanilang mga pasilidad ay nasa maayos na kalagayan.

Nilinaw rin ni Aquino na ang mga bitak na nakita sa Boni Station at Ayala Stations ay walang magiging panganib sa operasyon ng MRT-3.

Facebook Comments