Biyahe ng bus patungong Bicol mula PITX, fully-booked na

Fully-booked na ang biyahe ng mga bus patungong Bicol Region mula sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange o PITX.

Sa kabila nito, nilinaw naman ng pamunuan ng PITX na maari pa ring mag-walk in ang commuters dahil may mga dumarating pa naman na mga bus mula Bicol.

Bukod dito, naka-standby naman anila ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pagbibigay ng special permit para sa karagdagang mga bus.


Samantala, nagsagawa naman ng inspeksyon ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bus terminals sa Cubao, Quezon City.

Kabilang sa bus terminals na inikot ng mga otoridad ang Five Star, Genesis Transport Services at Baliwag Transit.

42 naman na bus drivers at mga konduktor sa Cubao ang isinailalim sa random drug test.

Wala naman sa kanila ang nagpositibo sa iligal na droga.

Facebook Comments