Thursday, September 10, 2026

BJMP, nakikipag-ugnayan na sa CIDG para sa paglipat ng kustodiya ni ex-Speaker Romualdez

Nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa paglipat ng kustodiya ni dating House Speaker Martin Romualdez kasunod ng inilabas na commitment order ng Sandiganbayan na mailipat na ito .

Sa panayam ng mga reporters sa Camp Crame, sinabi ni BJMP Jail Supt. Jayrex Bustinera na wala pang opisyal na natatanggap na commitment order ang ahensiya pero nakikipag-ugnayan na rin ito sa CIDG.

Parte ng kanilang paghahanda sa paglipat kay Romualdez ang dumating na ambulance ng BJMP sa labas ng Cardinal Santos Medical Center kung nasaan ngayon ang nasabing dating mambabatas.

Ibinahagi naman ni Bustinera na may sarili rin silang doktor para tumingin sa kondisyon ni Romualdez.

Tiniyak din nila na may available na pasilidad para kay Romualdez sa Payatas Quezon City Jail .

Hindi naman pa nito masabi kung makakasama ni Romualdez sa kulungan ang ilang mga personalidad kagaya nina Senator Rodante Marcoleta dahil naka-first come, first serve ang nasabing piitan.

Facebook Comments