
Maikli lamang ang tugon ng Palasyo sa inilabas na warrant of arrest ng Quezon City court laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng kasong grave threats.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, iginagalang ng Malacañang ang anumang desisyon o kautusan ng korte.
Una nang kinumpirma ng kampo ng Bise Presidente ang pagkakaroon ng warrant of arrest laban sa kanya.
Sinabi naman ng kanyang abogado na gagamitin nila ang lahat ng legal na remedyo at wala umanong intensiyon si VP Sara na takasan ang batas.
Facebook Comments










