
Ibinasura ng Taguig City Prosecutors’ Office ang reklamong perjury na inihain ni Vice President Sara Duterte (VPSD) laban sa nagpakilalang dati nitong bagman na si Ramil Madriaga.
Batay sa pormal na desisyon ng prosecutor, pinalabas ang pagbasura sa kaso dahil sa kakulangan ng sapat o prima facie na ebidensya upang patunayan ang mga paratang laban sa respondent.
Nagmula ang kaso noong March 2026 nang ireklamo ng Bise Presidente si Madriaga ukol sa diumano’y pagpapakalat ng kasinungalingan kung saan inakusahan nito si Duterte na tumanggap ng 2022 campaign funds mula sa mga drug lord at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations.
Facebook Comments










