Thursday, September 10, 2026

Extradition request kay Quiboloy sa US, wala pang summon

Gumanap na kinatawan si Atty. Ferdinand Topacio upang ipaliwanag ang kasalukuyang status ng mga legal na usapin ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Apollo Quiboloy patungkol sa kinahaharap niyang kasong human trafficking, sexual abuse, at child abuse.

Nilinaw ni Topacio na wala pang conviction with finality sa mga kasong ipinupukol sa lider, kaya dapat na manatili at igalang ang kaniyang karapatan sa presumption of innocence.

Kaugnay ng usapin sa extradition request ng Estados Unidos, sinabi ng legal counsel na wala pa silang natatanggap na pormal na summons mula sa korte dahil dadaan pa ito sa masusing evaluation ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ).

Mariin ding pinuna ng kaniyang kampo sina Reps. Perci Cendaña, Rep. Leila de Lima, at Sen. Risa Hontiveros sa pagtrato kay Quiboloy na tila ba sentensyado na ito sa kabila ng kakulangan sa pinal na desisyon ng korte.

Buhat ng isyu, nagsampa ng mga kasong libel at cyberlibel si KOJC Leader Apollo Quiboloy laban kina Sen. Risa Hontiveros, Rep. Leila de Lima, at Rep. Percy Cendaña ngayong araw sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Facebook Comments