BOC, nalampasan ang target collection para sa buwan ng Agosto

Nalampasan ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa buwan ng Agosto, na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Ayon sa BOC, nasa ₱75.642 billion ang nakokekta ng ahensya noong nakaraang buwan, na mas mataas ito ng 4.7% o ₱3.367 billion sa itinakdang target ng DBCC na ₱72.275 billion.

Batay rin sa report ng BOC, umabot sa kabuuang P582 billion ang nakolekta nito mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.


Mas mataas ito ng ₱14.393 billion o 2.54 percent sa ₱567.740 billion na revenue target.

Nangangahulugan ito na umangat ng ₱23.678 billion ang koleksyon ng BOC kumpara noong isang taon.

Iniugnay ng BOC ang pagtaas ng target collection sa magandang operasyon nito, tumaas na aktibidad ng kalakalan, at matatag na hakbang ng pangongolekta ng buwis.

Facebook Comments