Repatriation sa 60 Filipino non-marital children sa Jordan, kasado na

Matutuloy na ang repatriation sa 60 Filipino non-marital children matapos na magbigay na ng go signal ang Jordanian government para sa kanilang pag-uwi ng Pilipinas.

Binigyan na kasi ng exemption ng Jordan ang mga batang Pinoy para makabiyahe kahit walang birth certificate

Ang naturang dokumento kasi ang kailangan sa Jordan Immigration para payagang makabiyahe ang isang bata.


Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Jordan na sasagutin ng pamahalaan ng Pilipinas ang plane tickets ng mga batang Pinoy repatriate.

Facebook Comments