MAHIGIT 800 RESIDENTE SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, NAABUTAN NG LIBRENG SERBISYO AT AYUDA SA ILALIM NG TASK FORCE UMISU

Mahigit 800 residente na ang nakinabang sa iba’t ibang libreng serbisyo at tulong na inilalapit ng lokal na pamahalaan ng San Fernando City sa pamamagitan ng Task Force Umay Mangted Iti Sungbat o UMISU ngayong 2026.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga nangangailangang residente ng Barangay Sevilla, Tanqui, at Sacyud na pinuntahan ng programa na sinimulan pang isagawa noong Setyembre.

Sa pamamagitan nito, direktang inihatid sa mga tahanan ng mga residente ang mga serbisyong medikal, libreng gamot, assistive devices, bigas, groceries, at hygiene kits.

Tinulungan din ang mga benepisyaryo sa pagproseso ng mga mahahalagang dokumento gaya ng Persons with Disability o PWD ID, National ID, at birth certificate upang mapadali ang kanilang pagkuha ng mga ito.

Sa pamamagitan nito ay nailapit sa mga komunidad, partikular sa mga nangangailangang pamilya, ang mga pangunahing serbisyo at tulong ng pamahalaang lungsod.

Inaasahan namang ipagpapatuloy ng City Government ang pag-iikot ng Task Force UMISU sa iba pang mga barangay upang mas marami pang residente ang mapaglingkuran. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments