
Umabot sa 57 medalya ang naiuwi ng Dagupan Air Squad Gymnastics Club sa sinalihang AQUAZORB Gymnastics Meet 2026 noong Nobyembre 15, 2026.
Batay sa ulat ng Dagupan City Sports Commission, nakasungkit ang mga atleta ng 24 gold medals, 23 silver medals at 10 bronze medals, bukod pa sa limang acrylic medals at isang MAG IAA Trophy.
Ipinakita ng resulta ang naging pagganap ng mga gymnast mula sa Dagupan City sa naturang kompetisyon.
Ang Dagupan Air Squad Gymnastics Club ay kabilang sa mga programang pang-sports na sinusuportahan ng lungsod sa pamamagitan ng Dagupan City Sports Commission. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










