Bonifacio Park sa Lungsod ng Ilagan, Bukas sa mga Nais Magsagawa ng Kilos Protesta sa SONA ni Pangulong Duterte!

City of Ilagan, Isabela – Bukas sa mga nais magsagawa ng kilos protesta ang Bonifacio Park sa City of Ilagan kaugnay sa SONA ni pangulong Duterte. Ito ang naging pahayag ni ginoong Paul Bacungan, ang tagapagsalita ng Pamahalaang Panglunsod ng Ilagan.

Aniya wala naman umanong kumuha ng permit sa tanggapan ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz upang magsagawa ng rali ngunit kung sakali umano na mayroon ay kanilang papayagan ito dahil karapatan ng sinumang mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin sa SONA ng pangulo.

Gayunman nagbigay ng paalala si ginoong Bacungan sa mga nais magsagawa ng kilos protesta na kanilang obsebahan ang kalinisan at pangalagaan ang lugar na hindi masira ang mga pasilidad dahil isa nang tourist spot ang Bonifacio Park sa City of Ilagan.


Samantala hindi umano nagpaabot si Mayor Diaz na dumalo sa SONA dahil sa nagsimula na ngayong araw ang LGU Sports 2018 kung saan ay abala umano ang mayora sa naturang aktibidad.

Facebook Comments