SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG ALAMINOS, NILAGDAAN ANG LIMANG RESOLUSYON PARA SA PAGPAPALAKAS NG MGA PROGRAMA AT SERBISYO

Pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ng Alaminos City ang limang resolusyon sa isinagawang Regular Session na naglalayong palawakin at pahusayin ang mga programang direktang nakatuon sa serbisyo publiko at imprastraktura ng lungsod.

Sa sesyon, inaprubahan ang pagbibigay-awtoridad sa city mayor na lumagda sa Deeds of Donation para sa mga kagamitang ilalaan sa mga barangay, Sangguniang Kabataan, paaralan, at iba’t ibang asosasyon bilang suporta sa lokal na serbisyo at operasyon.

Tinalakay at inaprubahan din ang paghiling ng mahigit ₱153 milyong pondo mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa rehabilitasyon ng Alaminos City Engineered Sanitary Landfill, na mahalagang pasilidad sa waste management ng lungsod.

Kasabay nito, tatlong resolusyon ang ipinasa bilang pakikiramay sa pagpanaw ng mga kaanak ng ilang opisyal at kawani ng Sangguniang Panlungsod, kung saan binigyang-diin ang pagpapahalaga sa pagkakaisa at malasakit sa loob ng lokal na pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments