
Pinaghahandaan na ng Department Of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng 2025 Brigada Eskwela sa darating na June 9 hanggang 13.
Kasabay ito ng muling pagbubukas ng mga paaralan at klase sa Hunyo bilang bagong school year.
Itutuon ng DepEd ang pagsasagawa ng mga reading session bilang bahagi ng prayoridad na programa nito upang maiangat ang literacy sa bansa.
Magkakaroon din ng Brigada Eskwela nationwide kick-off na papangungunahan ng Albay, Region 5.
Facebook Comments