BUMABYAHENG MODERNIZED JEEPNEYS SA REHIYON UNO, NADAGDAGAN

Aabot na sa higit 460 modernized jeepney na ang bumibiyahe sa buong rehiyon, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.
314 ay sa Pangasinan, 28 sa La Union, 71 sa Ilocos Sur, at 47 sa Ilocos Norte.
Ang mga naturang jeepney ay umaarangkada sa mga itinakdang ruta ng mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng Local Public Transport Route Plans na parte ng PUV modernization program.

Ayon kay LTFRB Ilocos Region Director Cristal Sibayan, umabot na sa 98.19% ang konsolidasyon ng mga jeepney operators sa rehiyon, kaya’t mas pinadali ang pamamahala sa mga biyahe.

Samantala nakasama rin ang mga ito sa Service Contracting, na magbibigay ng kompensasyon sa mga operator batay sa bilang ng pasahero at dalas ng biyahe. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments