Nanumpa na sa katungkulan bilang isa sa mga bagong talagang Commission on Elections (COMELEC) Commissioner si dating Regional Director Atty. Noli Pipo sa head office ng tanggapan sa Intramuros, Manila kahapon.
Itinalaga mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pipo bilang kahalili ni Former Commissioner Marlon Casquejo matapos itong magretiro ngayong buwan.
Si Attorney Pipo ay nagsilbing COMELEC Regional Director ng Ilocos Region mula 2006 hanggang sa kasalukuyan bago maging Commissioner.
Sa isang pahayag, sinabi ni Chairman George Erwin Garcia na buo ang kanilang tiwala sa naging desisyon ng pangulo sa appointment ni Pipo dahil sa malawak na karanasan nito sa komisyon sa loob ng tatlumpu’t dalawang taon.
Magsisilbing COMELEC Commissioner si Pipo hanggang February 2,2032. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨