Pormal nang nagtapos ang makabuluhang pagdalaw ng Pilgrim Image of Our Lady of Guadalupe sa Diocese of Alaminos sa pamamagitan ng isang Farewell Holy Mass na isinagawa ngayong araw ng November 06, 2026 sa St. Joseph Cathedral.
Pinangunahan ni Most Rev. Napoleon B. Sipalay Jr., O.P., D.D., Bishop of Alaminos, ang banal na misa kasama ang mga kaparian bilang pasasalamat sa makabuluhang pagdalaw ng banal na imahen ng Mahal na Birhen.
Nakiisa sa naturang pagdiriwang ang maraming deboto na sama-samang nanalangin at nagpasalamat sa mga biyaya at pagpapalang kanilang natanggap sa panahon ng pananatili ng Pilgrim Image sa diyosesis.
Naging pagkakataon din ang banal na misa upang muling pagtibayin ng mga mananampalataya ang kanilang pananampalataya at debosyon kay Our Lady of Guadalupe.
Sa pagtatapos ng pagdalaw, hinikayat ang mga deboto na patuloy na isabuhay ang pananampalataya at ipagkatiwala sa mapagmahal na paggabay at panalangin ng Mahal na Birhen ang kanilang mga pamilya, komunidad at buong pamayanan.
Bagama’t nagtatapos na ang pagdalaw ng banal na imahen, nananatili ang diwa ng pananalig, pagkakaisa at pagmamahalan na naging bahagi ng makabuluhang pagbisita nito sa Diocese of Alaminos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









