CALASIAO JOB FAIR, MAGHAHATID NG OPORTUNIDAD SA TRABAHO PARA SA FRESH GRADUATES AT JOB SEEKERS

Mas maraming oportunidad sa trabaho ang binuksan para sa mga job seeker sa Calasiao, Pangasinan sa gaganapin na job fair ngayong Agosto 27, 2026.
‎‎Batay sa inilabas na pahayag, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon ay inilatag ang job opportunities, partikular para sa fresh graduates at first-time job seekers.

‎Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang sa Buwan ng Kabataan 2026.

‎Kabilang sa mga ipinadala ang updated Resume o CV, valid IDs, at iba pang kinakailangang dokumento para sa aplikasyon at posibleng job interview.

‎Isinulong ang aktibidad ng Pamahalaang Bayan ng Calasiao, katuwang ang PESO Calasiao, SK Federation Calasiao, at LYDC Calasiao. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments