Matatandaang idineklara ang bayan sa state of calamity sa pamamagitan ng Resolution No. 126, Series of 2026, matapos maapektuhan ng matinding pag-ulan ang mga residente.
Sinimulan ang pamamahagi ng relief goods noong nakaraang linggo at nagpapatuloy pa rin hanggang ngayon, ayon sa Human Resource Management Officer (HRMO) ng Bugallon sa panayam ng IFM News Dagupan.
Nauna nang nakapaghatid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng food packs sa mga residente sa 24 na barangay.
Kabilang sa mga nakatanggap ng DSWD food pack si alyas “Alice,” 60, na nagsabing malaking tulong ang natanggap nilang pagkain matapos silang maapektuhan ng pagbaha.
Kabilang sa mga nagbigay ng relief goods ang DSWD, LGU-Bugallon, Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Namahagi ang LGU-Bugallon ng karagdagang food packs, habang naglaan naman ng bigas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan.
Noong Agosto 26, idineliver ng NGCP ang ilang essential goods gaya ng toothpaste at toothbrush sa bayan.
Ayon sa HRMO, magpapatuloy ang pamamahagi hangga’t may available na ayuda. Pinayuhan din ang mga residenteng naapektuhan ng pagbaha na magpalista lamang para maisama sa mga susunod na distribusyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







