Case conference sa kaso ng pagdukot sa mga sabungero, muling pinagpatuloy ngayong araw

Muling ipinagpatuloy ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang Task Force Sabungero ang case conference sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Humarap din sa case conference ang kaanak ng mga dinukot na sabungero gayundin ang mga kinatawan ng Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.

Tiniyak naman ni Police BGen. Romeo Carramat na nakatutok sila sa paghuli sa mga suspek na may warrant of arrest.


May lead na rin aniya ang PNP sa utak sa mga pagdukot at nangangalap pa sila ng mga karagdagang ebidensya para matiyak na hindi mababasura ang ihahain nilang kaso.

Hinahanap na rin ng mga awtoridad ang ilang security guard at chief security ni Charlie Atong Ang.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero.

Facebook Comments