Tatlong investment commitments para sa Maharlika Investment Fund nakuha ni PBBM sa limang araw na official visit sa Japan

Nakakuha si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) nang tatlong investment commitments para sa Maharlika Investment Fund (MIF) sa kanyang limang araw na official visit sa Japan.

Sa panayam ng Philippine Media Delegation kay Pangulong Marcos habang pauwi sa Pilipinas mula sa Japan, sinabi nito na galing sa Japanese government-run at private financial institutions ang nagka-interes na maglagak ng puhunan sa MIF.

Gayunman, tumanggi na muna si Pangulong Marcos na tukuyin ang tatlong foreign investors at ilalagay aniya ang pondo sa energy project.


Facebook Comments