Friday, September 27, 2024

Npa, Hinamon Ng Isang Senador Na Isuko Ang Mga Miyembro Na Brutal Na Pumatay...

Hinamon ngayon ni Senator Bam Aquino ang National Democratic Front o NDF na isuko ang kanilang mga miyembro na nasa likod ng pananambang at brutal na pagpatay sa tatlong sundalo sa Malaybalay, Bukidnon. Ito, ayon kay aquino, ay bilang patunay na seryoso ang rebeldeng grupo sa pakikipag-usap sa gobyerno para sa pagkamit ng kapayapaan.

Consultant Ng Cpp-Npa-Ndf, Arestado Sa Checkpoint Sa Davao City

Arestado ang isang consultant ng CPP-NPA-NDF sa checkpoint ng mga sundalo sa Davao City. Kinumpirma ito ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kung saan base sa kanilang natanggap na impormasyon ay hawak na ng Task Force Davao si Ariel Arbitratio.

Pnp, Nilinaw Na Pwede Pa Ring Rumesponde Kapag May Nangyaring Krimen Na May Kinalaman...

Matapos na itigil ang giyera ng pamahalaan kontra droga, tututukan naman ngayon ng Philippine National Police ang iba't ibang krimen sa bansa. Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na bagamat wala silang mga ilulunsad na operasyon, maari naman na rumesponde aniya ang kaniyang mga pulis kung nagaganap ang transaksyon ng ilegal na droga.

Bilang Ng Mga Namatay Sa Avalanche Sa Afghanistan, Umabot Na Sa 104

Pumalo na sa 104 ang patay sa avalanche sa Afghanistan. Bunsod na rin ito ng ilang araw nang pagbuhos ng snow sa nasabing bansa.

Resulta Ng Imbestigasyon Ng Napolcom Sa Dalawang Narco-Generals Na Pinangalanan Ni Pangulong Duterte, Hawak...

Hawak na ng Office of the President ang resulta ng imbestigasyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa dalawa sa tatlong police general na pinangalanan ni pangulong rodrigo duterte na sangkot sa illegal drug operatioons. Ito ang kinumpirma ni Rogelio Casurao, Vice Chairman ng NAPOLCOM, matapos na maisumite sa Pangulo.

Memorial Service Sa Korean National Na Si Jee Ick Joo, Sinimulan Na

Sinimulan na ang memorial service para sa Korean businessman na si Jee Ick Joo sa Philippine National Police (PNP) Multi-Purpose Center sa Kampo Crame. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal ng Korean embassy at ilang Korean nationals

Ndf, Pumalag Sa Pagtawag Na “Terorista” Ni Pangulong Duterte Sa Kanilang Grupo

Pumalag ang NDFP o National Democratic Front of the Philippines sa bansag na "terorista" sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Fidel Agcaoili, Chief Negotiator ng NDFP Peace Panel, hindi naman naghahasik ng lagim ang NPA o New People's Army hindi tulad ng ginagawa ng Abu Sayyaf at Maute Group.

Muling Pagbuo Ng Usapang Pangkapayapaan Sa Pagitan Ng Cpp-Npa-Ndf At Gobyerno, Ipinasa Na Ni...

Ipinasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagbuo ng peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF at gobyerno sa susunod na administrasyon. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag matapos nitong tuldukan at isara ang pintuan ng negotiating table para sa peace talks.

Oplan Tokhang, Tuluyan Ng Pinababasura Ni Senator Hontiveros

Iginiit ngayon ni Senator Risa Hontiveros na dapat ng ibasura at palitan ng ibang istratehiya ang oplan tokhang na programa ng Philippine National Police laban sa mga sangkot sa iligal na droga. Mungkahi ni Hontiveros, sa halip na oplan tokhang ay dapat magpatupad na lang ang gobyerno ng Barangay Health and Rehabilitation Strategy at iyan ay nakapaloob sa inihain niyang Senate bill 1313.

Mga Gabinete Mula Sa Makakaliwang Grupo, Pinagbibitiw Sa Pwesto

Hinamon ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang mga miyembro ng Gabinete mula sa makakaliwang grupo na isipin na ngayon kung dapat pa ba silang manatili sa pwesto matapos na kanselahin ang peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF. Katuwiran ni Villarin, nominated ng CPP-NDF ang mga makakaliwa sa Gabinete kaya nakapasok ang mga ito sa gobyerno.

TRENDING NATIONWIDE