Lalaki, Pinagbabaril-Patay sa Isang Bar!

232

*San Manuel, Isabela- *Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kaninang madaling araw, Pebrero 5, 2019 sa isang Videoke Bar sa Brgy. Dist 1, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Marlon Dumlao, 34 anyos, residente ng Bagong Tanza, Aurora, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, pumasok sa bar at nagpanggap na kustomer ang suspek at nang iabot na ng biktima ang order nitong alak ay bigla na lamang naglabas ang suspek ng baril at ipinutok ng maraming beses sa biktima sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Agad na tumakas ang suspek sa south direction na may suot na itim na jacket, pantalon at itim na bullcap matapos ang pamamaril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang walong piraso ng fired cartridge ng Cal 45 at dalawang piraso ng fired bullet ng kaparehong kalibre.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP San Manuel para sa pagkakahuli ng suspek at motibo ng pamamaril.




Facebook Comments