
Tuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkamatay ng Ateneo de Manila University (ADMU) student-athletes na sina Rene Clert Baterbonia at Divine Adili.
Sa kabila ito ng pahayag ng Aurora Police Provincial Office na wala silang nakikitang sinyales na may foul play sa pagkamay ng dalawang estudyante.
Nais ding malaman ng NBI kung talagang walang foul play sa pagkalunod ng dalawa at kung nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga nasa likod ng team-building activity.
Tinukoy ng NBI na sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code, ang cause of death , maging ito man ay reckless o kapabayaan, ito ay maituturing na criminal matter.
Tiniyak din ng NBI ang gagawin nilang koordinasyon sa Philippine National Police (PNP) at mga otoridad sa kanilang gagawing imbestigasyon.










