Thursday, June 11, 2026

Labi ng isa sa dalawang nawawala matapos maglangoy sa dagat sa General Santos City, natagpuan na

Natagpuan na ng mga tauhan Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng isa sa dalawang nawawala matapos maglangoy sa Barangay Bawing sa General Santos City.

Ayon sa PCG, narekober ito ng Coast Guard District Southern Mindanao matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga lokal na mangingisda na may nakita silang palutang-lutang na wala nang buhay malapit sa GenSan Fishport.

Agad dineploy ng PCG ang dalawa nilang bangka at dito na narekober ang labi ng walong taong gulang na bata malapit sa baybayin ng Barangay Tambler.

Positibo namang kinilala ng mga kaanak ang biktima at na-i-turnover na rin sa kanila ang labi.

Facebook Comments