Cholera outbreak sa Yemen, pinakamalala na sa mundo, ayon sa WHO

World – Patuloy ang pagtaas ng bilang ng namamatay dahil sa cholera outbreak sa Yemen.

Batay sa tala ng World Health Organization – pumalo na 275,987 ang kaso ng cholera kung saan 1,634 ang naitalang namatay mula nang lumaganap ang sakit noong April 27 hanggang July 5.

Mas mataas na tinamaan ng outbreak ang mga bata na nasa edad 15 pataas na may 41 percent habang 33 percent naman ng mga matatanda ang namamatay.


Bunsod nito, itinuturing na ngayon ng WHO na pinakamalalang cholera outbreak sa buong mundo sa loob lamang ng mahigit dalawang buwan.

Facebook Comments