CHR, hinikayat ang Kongreso na rebisahin ang Anti-Dynasty Law kasunod ng resulta ng katatapos na 2025 midterm elections

Isusulong ng Commission on Human Rights (CHR) sa Kongreso ang pagbabago sa electoral system kasunod ng naging resulta ng 2025 midterm polls, kung saan mga dinastiyang pamilya na naman ang namayagpag.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na dapat bisitahin muli ng Kongreso ang batas hinggil sa Anti-Dynasty Law.

Nanawagan din ang Komisyon sa Commission on Elections o Comelec na suportahan ang pagkakaroon ng reporma sa mga political party at sa pag regulate sa paggastos sa kampanya.

Dapat din umanong mapalawak ang partisipasyon ng mga kababaihan sa mga pampulitikang aktibidad.

Ayon pa sa CHR, bagama’t may pag-unlad sa katatapos na 2025 midterm elections na ipinakita sa mga partisipasyon ng mga botante na galing sa mga mahihina at napabayaang sektor, dapat pa rin umanong doblehin ang mga pagsisikap para sa full inclusion, safety at informed decision-making ng mga botante.

Facebook Comments