Iba’t ibang grupo, nagkilos-protesta para ipanawagan ang manual na bilangan ng boto

Nagkasa ng protesta ang iba’t ibang grupo sa kanto ng Roxas Blvd. kanto ng Katigbak Drive sa Maynila.

Ito’y upang ipanawagan sa Commission on Elections (COMELEC) na gawin manual ang bilangan para malaman kung sino ang tunay na binoto sa nangyaring halalan.

Bukod dito, nais nilang ipa-disqualify ang ilang partylist na nangunguna ngayon sa bilangan ng boto.

Giit ng mga nagkilos-protesta, hindi naman kumakatawan sa marginalized sector ang mga partylist na ito na binuo lamang para sa pansariling interes.

Hinala rin nila na tila sinasabotahe ang eleksyon kung saan pinipigilan o ayaw paupuin ang mga partylist na siyang tunay na representante ng taumbayan.

Hinarang naman ng mga pulis ang mga nagkilos-protesta malapit sa Manila Hotel kung saan ginaganap ang national canvassing.

Facebook Comments