Chris McCullough, nagpahayag ng interes na maglaro sa Gilas

59

Interesado si San Miguel import Chris McCullough na maglaro para sa Gilas Pilipinas kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Ito ay matapos tulungan ni McCullough ang San Miguel na manalo sa katatapos lang na 2019 PBA Commissioner’s Cup laban sa TNT KaTropa.


Ayon sa Beermen import, sakaling maging naturalized player ay gusto niyang makasama sa national team.

Matatandaang una nang nagpahayag si McCullough ng kanyang interes na maging naturalized player para makapaglaro sa Gilas.

Samantala, pinag-iisipan ni Gilas head coach Yeng Guiao ang pagdadala ng isa pang trainer matapos bigong makuha si Spanish trainer at physiotherapist Jaime Capella para sa national team.

Facebook Comments

From Advertisers