Tuesday, June 23, 2026

‘Masamang damo’ na banat ni VP Sara kay PBBM, mas bagay umano kay dating Pangulong Duterte—Malacañang

Bumwelta ang Malacañang sa pahayag ni Vice President Sara Duterte kung saan inihalintulad nito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa “masamang damo” na matagal mamatay.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mas angkop umanong iugnay ang naturang paglalarawan sa dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga kontrobersyang minsan na nitong inamin sa publiko.

Binigyang-diin ni Castro na ang dating pangulo mismo ang nagbukas ng usapin tungkol sa mga alegasyon ng pagpatay, katiwalian, pagkakaroon ng assassin, at paggamit ng marijuana noong siya ay nasa puwesto pa.

Dagdag pa niya, marami umanong kritiko ng dating pangulo ang naghihintay na mawala ito, ngunit sinabi niyang hindi dapat ganoon ang pagtingin sa sinuman.

Kasabay nito, pinuna rin ni Castro ang pahayag ni Duterte tungkol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sinabing tila may mga taong nagmamadaling makapuwesto kaya hinihiling na mawala ang kasalukuyang lider ng bansa.

Facebook Comments