
Para kay House Assistant Minority Leader at Kabataan Party-list Representative Renee Co, hindi maituturing na isolated case ang nangyaring pamamaril ng dalawang menor-de-edad sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Diin ni Co, ito ay pangatlo na sa mga insidente ng karahasan sa loob ng paaralan kung saan ang dalawang nauna ay mga kaso ng pananaksak sa dalawang magkahiwalay na eskwelahan sa Cavite.
Ayon kay Co, ang mga naitalang school-related violence ay naka-ugat sa matagal ng mga problema sa sistema ng edukasyon sa bansa.
Pangunahing tinukoy ni Co nag matinding pagkukulang ng gobyerno sa paglalaan ng sapat na pondo sa edukasyon, sapat na silid-aralan at pasilidad, at sapat na bilang ng mga guro, guidance counselors, mental health practitioners, at iba pang kinakailangan para makabuo ng ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral.
Bunsod nito ay iginiit ni Co na hindi makakatugon sa problema na babaan na lamang ang age of criminal liability o papasukin na lamang ang pulis at militar sa mga paaralan.










