
Mananatili muna sa isang pribadong ospital si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan dahil wala pa itong clearance upang makalabas ng pagamutan.
Ayon kay Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) Director PCol. John Guiagui, nakipag-ugnayan na sila sa Sandiganbayan kaugnay ng hindi pagdalo ni Bonoan sa kaniyang nakatakdang arraignment ngayong araw.
Sinabi pa ni Guiagui na batay sa impormasyong kanilang natanggap, may bara umano sa ugat sa puso si Bonoan at nananatiling mataas ang kaniyang blood pressure, kaya kinakailangan pa siyang sumailalim sa patuloy na monitoring.
Tiniyak naman ni Guiagui na mahigpit ang kanilang pagbabantay kay Bonoan sa ospital.
Aniya, tanging mga miyembro lamang ng kaniyang immediate family at mga abogado ang pinapayagang makadalaw sa dating kalihim.










