Thursday, June 4, 2026

Rep. De Lima, mariing itinangging tumanggap ng maleta o paper bag na may lamang pera

Mariing itinanggi ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang pahayag ng mga dating marine sa kontrobersiyal na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na tumanggap umano siya ng maleta na naglalaman ng pera.
 
Ayon kay De Lima, matagal na niyang pinabulaanan ang naturang alegasyon at naghain na rin siya ng mga reklamong libel at cyberlibel sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Department of Justice (DOJ).
 
Muli ring binigyang-diin ni De Lima na wala siyang tinanggap na pera, maging ito man ay nasa maleta o paper bag.
 
Para kay De Lima, hindi nakapagtataka na nagkakabuhol-buhol ang mga kuwento at paratang laban sa kaniya dahil, aniya, pawang imbento lamang ang mga sinasabi ng mga dating marine.

Facebook Comments