Thursday, June 4, 2026

Dagdag na pork import sa bansa, dinipensahan ng DA

Mahalaga pa rin ang Executive Order (EO) 116 o planong pagtaas ng minimum access volume o MAV para sa pag-aangkat ng karne ng baboy para matiyak ang sapat na suplay sa bansa.

Ito ang ipinahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. bilang tugon sa pahayag ni Agap Party-list Rep. Nicanor Briones na hindi na napapanahon ang naturang hakbang .

Ayon kay Laurel, hiniling niya ang naturang panukala noong nakaraang taon nang sumirit ang presyo ng baboy dahil sa kakulangan ng suplay dulot ng african swine fever (ASF).

Ani Laurel, nadaragdagan pa ang epekto ng inflation dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado bunsod ng krisis sa gitnang silangan.

kasabay nito, maaari rin umanong magdulot ng panibagong pagkalat ng ASF sa pagpasok ng tag-ulan, na posibleng makaapekto sa produksyon ng baboy at magpahigpit sa suplay nito.

Facebook Comments