Wednesday, June 3, 2026

Pulis na namosas sa isang senior citizen matapos makagiran sa Taguig City, pansamantalang tinanggal sa pwesto at inilagay sa restrictive custody

Pansamantalang tinanggal sa unit nito at naka restrictive custody ang isang pulis matapos ang vehicular incident na kinasasangkutan nito at ng isang 76 years old na senior citizen sa Taguig City, kahapon.

Sa kumalat na video sa social media, makikitang pinosasan nito ang nasabing senior citizen, ito ay matapos magkaroon sila ng girian habang sakay ng kani-kanilang mga sasakyan.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagtungo ang dalawa sa estasyon ng pulis kung saan dinokumento ang nangyari at nagresulta naman sa pagkakaayos.

Gayunpaman, nagsasagawa naman na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa nangyaring insidente.

Kinondena naman ng Rizal Police ang nasabing hindi angkop na paguugali ng kanilang tauhan.

Facebook Comments