
Nagsagawa ng pagpupulong ang City Health Board (CHB) ngayong Hunyo 22 sa conference room ng lungsod upang talakayin ang mahahalagang polisiya, programa, at mga inisyatibong magpapalakas sa sistemang pangkalusugan ng Dagupan at magtitiyak ng mas maayos na access sa dekalidad na serbisyong medikal para sa bawat Dagupeño.
Binigyang-diin sa pagpupulong na nananatiling pangunahing prayoridad ng lokal na pamahalaan ang kalusugan ng mamamayan, kaya patuloy na pinagtitibay ang mga programang magbibigay ng mas mabilis at episyenteng serbisyong pangkalusugan.
Kabilang sa mga natalakay ang pagpirma sa CHB Certification para sa rehistrasyon ng mga bagong Barangay Health Workers (BHWs), pag-update sa DRRMH Organizational Chart at pagdaragdag ng miyembro sa Nutrition in Emergencies Task Force, at pagtalakay sa paggamit ng Special Health Fund Account kabilang ang Fixed Tranche 2026 at mga prayoridad na programang pangkalusugan sa ilalim ng City-wide Health System.
Tinalakay rin ang mga amyenda sa ilang Executive Orders kaugnay ng reorganisasyon at pagpapalakas ng City Health Board, Management Support Unit, at Pharmacy and Therapeutics Committee ng lungsod. Iniharap din ang mga itinalagang mamumuno sa Health Service Delivery Division (HSDD) at Health System Support Division (HSSD).
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, patuloy na pinagtitibay ng City Health Board ang kahandaan ng lungsod sa pagtugon sa mga hamon sa kalusugan, kabilang ang paghahanda sa posibleng epekto ng “The Big One,” habang isinusulong ang mas inklusibo at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









