Wednesday, June 17, 2026

Price freeze sa LPG at kerosene products, pinaiiral na rin sa Jose Abad Santos, Davao Occidental

Nagpatupad na rin ang Department of Energy (DOE) ng price freeze sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) at kerosene products sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Sakop nito ang 11 Kg na LPG at pababa kasunod ng malakas na lindol na tumama sa ilang rehiyon sa Mindanao.

Tatagal ang price freeze sa loob ng 15 araw.

Una nang nagpatupad ang DOE ng price freeze sa LPG at kerosene products sa iba pang mga lugar sa Mindanao na matinding naapektuhan ng malakas na lindol.

Facebook Comments