Cleanfuel, magpapatupad ng price adjustment sa gasolina at diesel

52

Naglabas ng abiso ang kompanyang Cleanfuel na magpapatupad ito ng price adjustment o pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Batay sa kanilang abiso, 75 cents kada-litro ang itataas ng presyo ng kanilang gasolina habang 1.10 bawat litro ang itataas ng presyo ng diesel.

Epektibo ang nasabing price adjustment ng Cleanfuel bukas, araw ng Martes alas-4:01 ng hapon.


Facebook Comments