Pinatataasan at pinapalawak ni Senator Raffy Tulfo ang saklaw ng combat duty pay ng mga sundalo.
Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, and Reconciliation, sinita ni Tulfo ang ₱300 kada araw na combat duty pay na aniya’y napakaliit kung ikukumpara sa ibang branch of service.
Bukod dito, ang nasabing combat duty pay ay limitado lamang sa 10 araw sa isang buwan.
Hirit ng senador na dagdagan ang ₱300 na combat duty pay at palawakin ang saklaw na araw nito depende sa kung gaano katagal na nakikipagbakbakan sa field ang isang sundalo.
Welcome naman kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang rekomendasyon ng senador ngunit umapela ito na tulungan sila ng Senado na maipasa at maisabatas ang inisyatibong ito.