PNP MIMAROPA, mahigpit na nakikipag-ugnayan sa BFP hinggil sa nangyaring gas leak sa isang Korean restaurant sa Calapan City

Tiniyak ni Philppine National Police (PNP) PBGen. Joel Doria, Regional Director ng PNP MIMAROPA na tuloy-tuloy ang koordinasyon nila sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa pangunguna ni FCSupt. Damian Rejano hinggil sa umano’y gas leak na nangyari kanina sa isang Korean restaurant sa XentroMall Calapan sa Barangay Lumangbayan, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ayon kay Gen. Doria, makakasiguro ang publiko ng security at assistance hinggil sa nasabing insidente.

Aniya, kumakalap na ng mga ebidensya ang mga awtoridad para matukoy ang pinagmulan ng naturang gas leak.


Tiniyak din nito na prayoridad nila ang kaso dahil nagdulot ito ng takot at pangamba sa publiko.

Hinihingi rin ng opisyal ang kooperasyon ng publiko at nanawagan sa sinumang may nalalamang impormasyon na agad makipagtulungan sa kinauukulan.

15 ang sugatan at 12 sasakyan ang nagtamo ng pinsala sa insidente na nangyari kaninang umaga.

Facebook Comments