Letran Knights, itinanghal na back-to-back champion sa NCAA Season 97 Men’s Basketball

46

Nakuha ng Letran Knights ang back-to-back championship sa NCAA Season 97 Men’s Basketball matapos talunin ang Mapua Cardinals.

Nagtapos sa score na 75-65 ang laban sa pangunguna ni Rhenz Abando na nakapagtala ng 14 points at 12 rebounds.

Ito na ang ika-19 kampyonayo ng Knights at ikalawang sunod mula matapos makakumpleto ng malinis na 12-0 na sweep.


Ayon kay coach Bonnie Tan, nahirapan din silang madepensahan ang kampyonato lalo na’t mahigit dalawang taon silang hindi nakapaglaro dahil sa COVID-19 pandemic.

Itinanghal namang NCAA 97 men’s basketball MVP at Rookie of the Year si Abando dahil sa ipinamalas nito sa nagdaang season.

Samantala, matapos ang 13 na taon ay nagwagi naman ang Far Eastern University (FEU) Cheering Squad sa UAAP Season 84 cheerdance competition.



Habang nakuha ng Adamson University Pep Squad ang second place at third place naman ang six-time champion na National University Pep Squad.

Facebook Comments