COMELEC, may paalala sa mga kandidatong tumutulong sa mga sinalanta ng bagyo sa Visayas

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato na nais tumulong sa mga biktima ng Bagyong Agaton.

Ayon kay Commissioner George Garcia, dapat iwasan na lagyan ng larawan ng kandidato ang tulong na ipinaaabot sa mga nasalanta ng kalamidad.

Dapat ding ipagbigay-alam sa local offices ng COMELEC ang aktibidad at mga listahan ng benepisyaryo.


Nilinaw pa ni Commissioner Garcia na kailangang specific kung sino ang mga benepisyaryo, at iwasan ang pamimigay ng campaign materials.

Hindi rin aniya ito ipinagbabawal dahil alam naman ng lahat na marami ang humihingi ng tulong tuwing panahon ng kalamidad.

Facebook Comments