Comelec, nilinaw na walang nakompromiso matapos ilang araw tiktikan ng Chinese spy ang main office

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na hindi sila nakompromiso kasunod ng pagkakaaresto sa isang Chinese spy malapit sa kanilang tanggapan sa Intramuros.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, walang dapat ikabahala dahil wala silang election data sa main office.

Nagsagawa rin aniya ang poll body ng test at lumabas na walang nakompromiso sa kanilang system.

Una nang ikinabahala ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakahuli sa dayuhan lalo na’t ilang linggo na lang bago ang midterm elections.

Tiniyak naman ng NBI na makikipag-ugnayan sila sa Comelec sakaling may makita sa isasagawang imbestigasyon.

Nakuha mula sa sinasakyan ng dayuhan ang IMSI o International Mobile Subscriber Identity catcher na nakakasagap ng text messages na may hanggang isang kilometro ang layo.

Facebook Comments