
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpapatupad ng libreng sakay ang pamahalaan sa Metro Rail Transit o MRT-3, Light Rail Transit o LRT-1, at LRT-2
Magtatagal ito mula bukas, April 30 hanggang May 3, Sabado, kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day sa bansa.
Ayon sa pangulo, ang inisyatibong ito ay isang simpleng paraan para magbigay ng kaunting parangal sa mga manggagawang Pilipino.
Binigyang diin ng pangulo na marapat lamang na kilalanin ang sakripisyo at ang kontribusyon ng mga manggagawa hindi lamang para sa ekonomiya kundi para sa ating lipunan.
Facebook Comments