COMELEC PANGASINAN, HINIKAYAT ANG MGA KANDIDATO NA MAKIBAHAGI SA MGA DEBATE AT INTERVIEWS

54
Hinikayat ni Pangasinan Provincial Election Supervisor Attorney Eric Oganiza ang mga kumakandidato ngayong Halalan na makibahagi sa mga isinasagawang debate, forum at interview.
Ayon sa opisyal, oportunidad ito upang maipaabot sa publiko ang kanilang mga plataporma.
Limitado ani ni Oganiza na maiparating ang kanilang mga plataporma sa pamamagitan ng motorcades, in-house campaigning at iba pang paraan ng pangangampaniya.

Bagamat hindi mandatory ang debate, kailangang makiisa ang mga ito nang mas makilala sila ng mga botante. | ifmnews
Facebook Comments