‎₱340K HALAGANG SHABU NASAMSAM MULA SA ISANG HIGH VALUE DRUG SUSPECT SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang isang Regional Priority Target o High-Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa San Carlos City, Pangasinan noong Agosto 13, 2026, na nagresulta sa pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱340,000.

‎Arestado ang isang 34 anyos na lalaki at residente ng San Carlos City, dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

‎Narekober mula sa operasyon ang humigit-kumulang 50 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa apat na heat-sealed transparent plastic sachets,

‎Nasamsam din ang buy-bust money, 12 piraso ng ₱1,000 machine-copy bills na ginamit bilang boodle money, at isang asul na pouch na pinaglagyan umano ng hinihinalang ilegal na droga.

‎ ‎Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa kinauukulang police office para sa dokumentasyon at disposisyon, habang inihahanda ang kaukulang kaso sa ilalim ng RA 9165. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments