NCSC AT BJMP REGION 1, PAGPAPALAKAS NG SERBISYO PARA SA NAKATATANDA AT PDL, TINALAKAY

Pinag-aaralan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region 1 at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Region 1 ang mga posibleng programa at partnership para mapalakas ang serbisyo at pangangalaga sa mga nakatatanda, kabilang ang mga senior citizen na Persons Deprived of Liberty (PDLs).


‎Tinalakay ito sa isinagawang courtesy call ng NCSC Region 1 sa BJMP Region 1 noong Agosto 10, 2026, kung saan pinag-usapan ang mandato at mga programa ng komisyon para sa kapakanan ng mga senior citizen.

‎Binigyang-diin ni NCSC Region 1 Regional Director Atty. Glaiza Bernadeth P. Pinto-Tadeo na karapat-dapat ang lahat ng nakatatanda sa dignidad, respeto at patuloy na pagkakataong makilahok sa lipunan, kabilang ang mga nasa ilalim ng pangangalaga ng mga institusyon tulad ng BJMP.

‎Kabilang din sa mga tinalakay ang posibleng pagtutulungan para sa nalalapit na Elderly Filipino Week (EFW), partikular ang pagpapakita ng mga produktong gawa ng PDLs bilang pagpapahalaga sa kanilang rehabilitasyon, pagiging produktibo at makabuluhang pakikilahok.

‎Napag-usapan din ang posibleng pagsasagawa ng capacity-building activities para sa mga kawani ng dalawang ahensya upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at mapalakas ang paghahatid ng serbisyong publiko.


‎Sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, layon ng NCSC Region 1 at BJMP Region 1 na mapalawak ang inklusibo at makataong serbisyo para sa mga nakatatanda at iba pang sektor ng komunidad, habang itinataguyod ang dignidad, pakikilahok at kapakanan ng bawat isa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments