Tuesday, August 11, 2026

PBBM, nakiramay sa mga biktima ng 7.4-magnitude na lindol sa Colombia

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamahalaan at mga residente ng Colombia matapos ang pagtama ng 7.4-magnitude na lindol na nagdulot ng malawak na pinsala.

Ayon sa pangulo, nauunawaan ng mga Pilipino ang sakit at mga hamon na dulot ng lindol dahil kabilang ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire.

Nagpahayag din si Marcos ng pakikiisa sa Colombia habang bumabangon ang mga apektadong komunidad, inaayos ang mga nasirang kabuhayan at nagpapatuloy ang rescue at recovery efforts.

Tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa kanlurang Colombia noong Lunes, Agosto 10, kung saan umabot na sa mahigit 100 ang nasawi at higit 500 naman ang sugatan, habang patuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na matinding napinsala.

Facebook Comments